IMAGE © instagram.com/arjoatayde

Masayang masaya umano si Ria Atayde sa pag-amin ng kanyang kapatid na si Arjo Atayde at Queen of dubsmash Maine Mendoza tungkol sa kanilang relasyon.

Ayon kay Ria, ilang beses na niyang nakasama si Maine at tuwang tuwa umano siya sa dalaga.

Masyado raw kasing kengkoy si Maine at ganun din silang magkapatid.

Natutuwa rin daw si Ria na makita ang kanyang kuya na para bang bumalik sa high-school kapag kinikilig.

Inamin din nito na ‘well-reciprocated’ naman ang pagtitinginan ng dalawa.

Hindi naman maiwasan ng dalaga na mainggit sa kanyang kuya.

Sa kabila nito, may mga fans na hindi pa rin tanggap ang lumalalim na tinginan ng dalawa at patuloy na nagpapadala ng death threats sa kanilang dalawa.

Gayunpaman, binabalewala na lang daw ni Ria ang mga pamba-bash sa kanila.

Nakiusap din ang dalaga na sana raw dumating ang panahon na matanggap na rin ng ibang fans ang relasyon nina Maine at Arjo.