Nag-iwan ng siyam na kataong patay matapos rumagasa ang tubig-baha sa swimming hole sa estado ng Arizona sa Amerika.
Ayon sa mga otoridad, 14 na miyembro ng pamilya ang nasa Cold Springs Swimming Hole nang biglang magbaha dulot ng malakas na ulan at nilamon ang mga biktima.
Wala pang identity ang mga namatay na mag-anak, pero anim umano sa mga ito ay pawang mga bata na edad dalawang taong gulang hanggang 13-anyos, habang pinakamatanda naman ay tinatayang senior citizen na.
“Fourteen family members were near the Cold Springs Swimming Hole on Saturday afternoon when heavy rains caused flash floods,” ani Sgt. David Hornung.
Maliban sa mga nasawi, isa pa ang naitalang nawawala habang apat ang masuwerteng na-rescue. (CNN)
BNN Noontime Edition | 04.27.2018
BNN Morning Edition | 04.27.2018
BNN Evening Edition | 04.26.2018
BNN Noontime Edition | 04.26.2018
BNN Morning Edition | 04.26.2018
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved