DAVAO CITY – Patay ang limang drug suspek sa magkahiwalay na “one time big time drug operation” ng Davao City Police Office (DCPO) matapos umanong manlaban sa kapulisan kaninang madaling araw.
Nakilala ang apat sa mga namatay na sina Rolly Arendain at Francis Louei Reta mula sa operasyon ng Sasa PNP; isang Alex Cayao, 27, na napatay ng Tugbok PNP at Abdul Jimlani, 50, na nasukol naman ng Bunawan PNP.
Patuloy pa ang pagsasagawa ngayon ng imbentaryo ng kapulisan sa dami ng iligal na droga na kanilang nakumpiska.
Samantala, sa iba pang drug operation ay nahuli naman ang isang jeepney driver na si Bernie Salgo at isang helper na si Vic Arellano Cabalan matapos mabilhan ng dalawang pinatuyong dahon ng marijuana sa magkahiwalay na lugar.
Sa kabuuan umabot sa 63 ang nahuli sa nasabing drug operation.
BNN Evening Edition | 04.23.2018
BNN Noontime Edition | 04.23.2018
BNN Morning Edition | 04.23.2018
BNN Evening Edition | 04.21.2018
BNN Noontime Edition | 04.18.2018
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved