Tatlong sundalo habang dalawang miyembro ng teroristang Dawlah Islamiyah ang patay sa engkwentro sa bayan ng Tubaran, Lanao del Sur.

Nagsasagawa ng combat patrols ang tropa ng 49th IB ng makasagupa ang 10 miyembro ng Dawlah Islamiyah-Lanao group.

Ayon kay Western Mindanao Command spokesperson Col. Gerry Besana, tumagal ng isa’t kalahating oras ang bakbakan na ikinasawi ng dalawang terorista, base sa body count.

Narekober ng militar mula sa napatay na kalaban ang dalawang rifle, isang short handgun, dalawang granada at mga bala.

Nagpapatuloy sa ngayon ang hot pursuit operations laban mga teroristang grupo.

“We are saddened by this news, but this is the sacrifice our soldiers make ro rid the areas particularly the communities of the terrorists. We extend our deepest sympathies to our soldiers families and relatives. They fought heroically for our country and people,” pahayag ni Besana.