A U.S. Navy F/A-18C in flight (file photo from Wiki)
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi nang salpukan ng dalawang eroplano ng US Marine Corps malapit sa karagatan ng Japan.
Naganap ang mid-air collision ng F-18 fighter jet at C-130 tanker plane matapos na sila ay mag-refuel.
Nagmula sa Marine Corps Air Station sa Iwakuni ang nasabing mga eroplano.
Una rito, nagsasagawa umano ang dalawang US Marine jets ng regular scheduled training nang maganap ang insidente.
Ang insidente ay kinasangkutan ng isang F/A-18 Hornet fighter jet na gawa ng McDonnell Douglass, at isang KC-130, refuelling plane na may propellers na nabuo naman ng Lockheed Martin.
Sa ngayon hindi pa malinaw ang kalagayan ng mga crew ng mga eroplano pero may lumutang na impormasyon na anim ang missing.
Meron daw kasing limang crew ang sakay ng C-130 habang dalawa naman sa F-18.
Iniulat naman ng spokesman ng Japan’s Self-Defence Forces na isa sa mga airmen ang na-rescue na.
“Search and rescue operations continue for US Marine aircraft that were involved in a mishap off of the coast of Japan around 2.00 am Dec 6,” bahagi ng Marine Corps statement. “The aircraft involved in the mishap had launched from Marine Corps Air Station Iwakuni and were conducting regularly scheduled training when the mishap occurred.”
BNN EVENING EDITION | 02.21.2019
BNN Noontime Edition | 02.21.2019
BNN Morning Edition | 02.21.2019
BNN Evening Edition | 02.20.2019
BNN Morning Edition | 02.20.2019
Copyright 2017 Bombo Radyo Philippines | All Rights Reserved